She who hesitates is not only lost, but miles from the next exit.

I think it's a testament to how tough the training was today that I got lost on my way home. Catatonia or shunga lang talaga. After buying something to eat at Centris I took the usual jeep that would pass through Tandang Sora via the Commonwealth route. Paglabas ko pa lang ng Centris feel ko na talaga mag taxi because I'm so dead tired. Feeling ko naiwan ko whatever is left of my brain sa Training Room 5 sa 2nd floor ng TWS. But before we even reached that turn to Commonwealth, the jeep I was on busted one of its front tires. So we all got off and got our money back from the conductor. Ni hindi ko rin nga alam kung anong part yung lugar na yun kung saan kami tumigil. Hay ganito talaga ako ka clueless sa direction lalo na at gabi pa. So goodluck.
Ang tagal kasi ng conductor ibigay yung pamasahe ko kaya yun tuloy naiwanan ako. Sasabay sana ako dun sana sa isang babae rin na baba ng Tandang Sora. Paglingon ko wala na yung Ate. And moi, thinking that the jeep she took must be the same as the waiting jeepney by the roadside (alam mo naman mga Pinoy drivers kung pumarada gusto ba naman sa medyo gitna!) boarded the jeep without even reading the sign. But I heard the barker yell na "Tandang Sora, Tandang Sora." So yun nadale tuloy ako. Mahaba pala ang Tandang Sora. DuH!
Nung umandar na yung jeep, di siya lumiko sa Commonwealth. ShiT! Gusto ko nang bumaba. Yun lang di gumilid si Manong and by the time gumilid siya malayo na kami sa may Philcoa. At kung nilalamig ako pagbaba ko ng MRT, well... pinagpapawisan na ko ngayon (ewww). I decided na di na ko baba and to just ride it through kasi madilim yung diandaanan namin and I could not find a single CAB! Habang binabagtas lang naman namin yung daan, dun ko nakita na well... Visayas Avenue ang dinadaanan namin. Nakadaan na ko dun pero habang nasa cab. Yan kasi taxi ng taxi. Di ko alam kung saan ba ang daan pabalik ng Tandang Sora from there. Hay suffice to say, kung gutom na gutom ako pagbaba ko ng MRT nasapawan siya ng sobrang kaba at di ko na siya naramdaman ulit. Ito na ata ang tinatawag na adrenalin rush. LoL!
Nung halos lahat na ng pasahero ay bumaba na at iilan na lang kaming natira, I asked the Manong kung dadaan ba siya ng T. Sora at senyas niya naman ng kamay "dun pa."' So quiet lang ako ulit. Pero sa isip ko, I was silently beating myself up for not paying attention -Shunga! Stupida! Gaga! (ganung level Warla Mode on talaga)
Lumiko na yung jeep at nagsibabaan na kami. Tinanong ko driver," T. Sora na ba to?" He nodded. Sa isip ko lang "Double shit!" I don't recognize this place. I didn't know whether to cross the street or diretso lang or board the same jeep pabalik kung saan man ako na pick up dati nung jeep. At sobrang takot ko lang kasi:
(1) Pag check ko ng load ko, boi! Piso na lang daw ang load ko. Triple shit lang di ba! Wala akong pang tawag or miss call man lang kay sisterette ko.
(2) Wala na rin pala akong pang cab, kasi nag grocery ako. ShiT ulit di ba?! Out of my P400, I spent 379 pesos. O di ba bongga, may gana pa kong mawala eh wala pala kong pera. At eto pa, kung may pang cab man ako, walang cab na dumadaan. Ang saya! ; and
(3) I don't ever remember setting foot in that place. Yung mga signs sa jeep na dumadaan dun (NPC, Palengke), wala dun yung dumadaan sa amin.
Gusto ko nang umiyak at batukan ang sarili ko nang malakas na malakas. Kasi naman pagod na pagod na ko at feeling ko talaga may galit ang langit sa akin. Bbut in retrospect, hindi naman ata masyado kasi buti na lang di na umuulan at wala na si Bagyong Juan. Siguro kung nandito pa yung bagyo at nawala ako. Hayun sumpa talaga.
So finally, I decided to cross the street and walk like I know where I'm going (kahit sa totoo hindi naman talaga). Then pagdating sa isang Jollibee, I used my only piso to text my sister para i annuncio lang naman sa buong mundo na sa edad ko na to nawawala pa rin ko. Harharhar! Swerte naman na may dumaan na jeep na walang laman at parang kamukha niya yung mga dumadaan sa amin. Sabi nung driver yes dumadaan daw siya ng San Antonio. Hallelujah makakauwi din pala ko ng medyo maaga.
Nung dumaan kami ng Philand, medyo kumalma na ko. By the time na makababa ako ng jeep na yun, gutom na ulit ako. Kulang na lang yakapin at halikan ko yung sign ng subdivision namin kaya lang baka di ako papasukin ng guard sa gate. Hopefully bukas, kahit mukhang catatonic na naman ako after ng Apache Training, di na ko mawala ulit kasi abuso na yun. Bawal mawala ang mga pobre sa pamasahe.
"We're not lost. We're locationally challenged." - John M. Ford
Labels: rants


0 Comments:
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home